Monday, April 10, 2006

Eto na. Pero wag.
Iniisip kita. Pero Mali.
Bakit ba?
Hinahanap kita
Hinahanap mo ko.
Anong problema?
Sabi ko iiwas nako
Sabi ko sakit ng ulo
O ayan na..Ako nalang kakalas
Kaibigan nga kita, Malabo nga lang
Pag kausap kita, masaya ako
Pag kausap ka ba nya masaya ka rin?
Hinahanap mo rin ba sya?
Kumikislap ba mata nya
Pag iniisip ka nya, bumabaduy din ba sya?
Lumulundag ba puso mo pag kasama sya?
Alam mo, masakit na talaga
Lumuluha ako, di mo nakikita
Iniisip ko nagyon lang ‘to
Lilipas din
Kakalimutan kita
Kakalimutan mo ko
Mahahanap ko rin sya sabi mo
Palibhasa nahanap mo na yung syo.
Ano ba? Di ka naman bobo
Ikaw yon! Ikaw yon!
Yung sinusulat ko..sayo yun
Hangang don nalang muna ako
Kunwari di mo nalang nabasa..di nangaling sakin
Kasi mali..Meron ka na
Baka ako ang bobo
Nahuhumaling sayo..
Sabi ko nga..Lilipas din ‘to
Masaya ka naman sa kanya diba?
Ok na sakin yun
Eto na..
Bka mahal na nga kita.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home