Saturday, May 20, 2006

“Mahalin mo minsan”

(Thanks derbster for the inputs..Cheers to our first single!!! woohoo!)

Lihim na ngiti
Natatagong pangako
Walang malay mong iniwan
Pusong tumibok minsan
Kahit sandali lang
Gusto kong mayakap ka
Ayoko man makaramdam nito
Matigas na ulo ko ang sinundan

Di ako nagbibiro
Sana’y wag tawanan
Lumalapit na syo
Sana’y wag iwasan
Alam ko isang araw
Ako ri’y iiwanan
Pansamatala lamang
Mahalin mo minsan

Ako nala’y magkukubli
Sa mundong di mo alam
Hanapin mo nalamang
Kung oras ay tama
Wag mo lang saktan
Pusong minsa’y nasugatan
Bahid ng pangangailangan
Na ngayon muna’y maging kaibigan

Di ako nagbibiro
Sana’y wag tawanan
Lumalapit na syo
Sana’y wag iwasan
Alam ko isang araw
Ako ri’y iwanan
Pansamatala lamang
Mahalin mo minsan

Mali man na aminin
Masikit na di sabihin
Mamasdan ka nalang kahit malayo
Maghihintay kahit hapo
Bigo na kung bigo
Siguro buti nang di kumibo
Itong pag-ibig na alay ko
Mananatili lamang sayo

0 Comments:

Post a Comment

<< Home